Event

54 estudyante, sumailalim sa pagsasanay ng Philippine Coast Guard – Palawan

By Jane Jauhali

March 16, 2022

Matagumpay na naisagawa ang pagsasanay  ng Coast Guard District Palawan na sumailalim sa Water Safety, Rescue and Survival Techniques (WASAR) training of Class 01-2022 ang 54 na estudyante, Officer at Non-Officers ng CGDPAL mula Pebrero 28  hanggang Marso 05, 2022 sa Barangay Punta Baja, Rizal, Palawan.

Layunin ng pagsasanay ay upang matutunan ng mga estudyante ang iba’t ibang pamamaraan ng paglangoy at pag-rescue kung sakaling may sakuna lalo na sa dagat sa pamamagitan ng lectures at actual demonstrations.

Nais ng Coast Guard District – Palawan na mas lalo pang mahasa ang mga officers at personnel sa pagsagip ng buhay ng isang tao habang nasa panganib.

Sumailalim din ang mga studyante sa  Basic Life Support tulad ng Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR), First Aid, at Management of Foreign Body Airway Obstruction (FBAO).