Sa flag raising ceremony na ginanap kahapon, Marso 21, sa Camp Higinio A Mendoza Sr., Tiniguiban, Puerto Princesa City, inilabas ng Police Regional Office-Mimaropa ang anim na Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Palawan na pasok sa top 3.
Pormal ng iginawad ang Certificate of Recognition sa anim na hepe ng anim na station sa lalawigan ng Palawan: Magsaysay MPS (top 1) na may rating 44.20; Cuyo MPS (top 2) na may rating na 39.80; at top 3 naman ang Araceli MPS na mayroon rating 36.2.
Sa mainland naman, Top 1 ang Roxas MPS na mayroon rating 58.60, Top 2 ang Taytay MPS na nakakuha ng rating na 53.20 at top 3 ang Aborlan MPS na mayroon rating 51.60.
Ang evaluation na ginawa ng Police Regional Office-Mimaropa at Palawan Provincial Police Office, ay mula sa buwan ng Pebrero 2022, at nakabase sa dami ng kanilang naging Accomplishment tulad ng Anti-Illegal gambling (tupada), pagkaaresto ng most wanted person at wanted person, at implementation ng COVID-19 protocols.
Discussion about this post