Bumisita sa Munisipyo ng Balabac, Palawan noong Marso 22 si Coast Guard Commodore Angel Z. Viliran, MSc, JD Commander ng Coast Guard District Palawan kasama ang iba pang station Commander, Commanding Officer ng BPR Cape EngaƱo (MRRV 4411), Commanding Officer ng MCS-3005, Coast Guard District Palawan, Operation Control Unit, at mga miyembro ng Life Church Puerto Princesa sa pangunguna ni Pastor Juan Ancho Buenaventura.
Layunin ng mga ito na magsagawa ng inspeksyon at pagpapailaw sa station ng Mangsee, maging ang Coast Guard Station Balabac, Coast Guard Sub-Station Mangsee kabilang na ang Philippine Navy Littoral Monitoring Station Mangsee at 4th Marine Company Detachment.
Nag courtesy call rin si Commo Viliran kay Shuaib J. Astami, Municipal Mayor ng Balabac.
Nagpapasalamat naman si Mayor Astami sa pamunuan ng PCG, at susuportahan nito ang station upang makapaghatid ng maayos na serbisyo sa komunidad.
Samantala, nagpahiwatig at nangangako naman ang Commander ng CGD Palawan na pagagandahin pa nito ang komunikasyon ng maritime security operations, at sisiguraduhin na ligtas ang security ng maritime environment.