Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Event

Hijos Unlock Palawan 2, kasado na ngayong Hunyo

Lexter Hangad by Lexter Hangad
June 8, 2022
in Event, Feature
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Hijos Unlock Palawan 2, kasado na ngayong Hunyo
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Puspusan ang paghahanda na ginagawa ngayon ng Hijos de San Jose para sa nalalapit na Unlock Palawan 2 sa Hunyo 25, 2022, ganap na ika-5:00 ng umaga kung saan masusubukan ang angking galing, determinasyon at disiplina ng rider sa pagmamaneho ng motorsiklo sa humigit  kumulang 1,100 kilometrong land travel sa bahaging sur at norte ng Palawan.

Ayon sa Chairman ng Hijos Unlock Palawan na si Boy Sendaydiego Medina, dahil maluwag na ang restrictions ngayon kumpara noong nakalipas na mga taon dulot ng COVID-19, ay magkakaroon na umano ito ng mga kalahok mula sa loob at labas ng bansa.

RelatedPosts

3-week MASA 22 kicks off in Palawan

Selebrasyon with Kultura

Cancer Care at Hemodialysis Unit, handog ng ACE Hospital Palawan

“Since ilang linggo na lang gagawin na namin ulit yong ‘Unlock 2’… 2nd year na namin ito… noong unang taon successful ‘yong nagawa namin at naging maayos ang lahat… so far nasa final stage na kami nang preparation and we’re all set,” ani ni Medina.

Sa ngayon, nasa mahigit 100 ang inaasahang magiging kalahok ng aktibidad na magmumula pa umano sa labas ng lalawigan.

Dagdag pa ni Medina, katuwang nito ang Pamahalaang Panlalawigan sa gaganaping Unlock Palawan 2 na may kaugnayan sa nalalapit na selebrasyon ng Baragatan Festival 2022 kung saan layunin nito na isulong ang mga tourist destinations ng lalawigan.

“So, identify lang namin sa mga riders during event or doon sa kit nila isasama nila yong mga pictures para lang makita nila kung saan nila pupuntahan iyon kasi hindi naman lahat nasa main road eh,” salaysay pa nito.

Marami umanong papremyo ang ipamimigay sa Unlock Palawan 2 sa oras na makumpleto ng rider ang Phase 1 at Phase 2 nito katuwang ang kumpanyang CALTEX.

Ayon pa kay Medina, asahan na maraming papremyong naghihintay kagaya ng finisher shirt ngunit hindi umano ito basta bastang makukuha dahil kinakailangang matapos ang 12 checkpoints.

Patuloy pa nito, “Nandiyan yong finisher sticker…marami kaming giveaways ngayon…kasi si CALTEX maraming pa-raffle so tuloy na yong magpapa -raffle siya ng isang motorcycle and at the same time may mga giveaways silang ipamimigay din.”

“Kasama na diyan yong most discipline, biggest group mga ganoon…so mandatory na yong 12 checkpoints at matatakan na yong mga passports ninyo,” dagdag pa nito.

Ang mga underbone na motorsiklo o mabababa ang Cubic Capacity (CC) ay puwedeng sumali. Kamakailan lamang ay sinubakan nila ito gamit ang mga big bikes at mga underbone na motorsiklo kung ilang oras ang aabutin sa biyahe.

“Nag-recon na kami last 2 weeks ago… in-estimate namin… may mga tumakbo sa aming big bike may mga tumakbo sa aming underbone so na-estimate namin kung gaano nila katagal tatakbuhin iyon…ang rough estimate namin to Buliluyan aabutin ka ng 5-6 hours one-way iyan and by 7:00 o’clock in the evening andito na kami [Puerto Princesa] since early morning naman yong flag off namin. So nasa mga grupo iyan kung papaano nila kukunin…kung papaano yong speed nila kung saan sila puwedeng huminto nasasakanila iyon,” dagdag pa ni Medina.

Siniguro umano nila ang seguridad ng mga lalahok sa Unlock Palawan 2 sa tulong ng PDRRMO, PNP at LGUs nang sa gayon maging maayos, mapayapa at maging masaya ang aktibidad.

“Ang humahawak diyan ay si PDRRMO…kagaya iyan noong nakaraang taon 100% yong support nila sa amin interms of security andiyan si PNP and at the same time sa HIJOS mayroon kaming mga marshals na sila ang nag-aalalay sa mga riders sila ang nag g-guide pagdating sa mga checkpoints. Although sa mga munisipyo ang LGU sila din yong mag t-traffic so nakipag-ugnayan narin kami sa kanila through PDRRMO all out naman yong support nila sa amin,” pahayag pa nito.

Samantala, sa mga nais lumahok sa Unlock Palawan 2 ay mayroong ₱500.00 na registration fee at mahalaga na mayroong driver’s license, vehicle LTO registration na valid hanggang sa huling araw ng aktibidad. Mahigpit namang ipinagbabawal ang pagpapalit ng rider sa isang motorsiklo.

“Isang magandang pagkakataon lalo na sa mga mahihilig mag-motor… magandang pagkakataon sumali dito unlock na ito ma-promote natin ang Palawan para maipakita natin na kung gaano kaganda ang ating mga tourist spot sa south and north,” ani Medina.

Target ng organisasyon na magkaroon ng 400 na kalahok sa Hijos Unlock Palawan 2.

Share7Tweet5Share2
Previous Post

47 anyos na lalaki, arestado sa Puerto Princesa sa kasong Statutory Rape

Next Post

3-week MASA 22 kicks off in Palawan

Lexter Hangad

Lexter Hangad

Related Posts

3-week MASA 22 kicks off in Palawan
Event

3-week MASA 22 kicks off in Palawan

June 8, 2022
Selebrasyon with Kultura
Event

Selebrasyon with Kultura

June 1, 2022
Cancer Care at Hemodialysis Unit, handog ng ACE Hospital Palawan
Feature

Cancer Care at Hemodialysis Unit, handog ng ACE Hospital Palawan

May 5, 2022
Send-Off Ceremony sa pulis at militar na magbabantay sa Eleksyon 2022, isinagawa
Event

Send-Off Ceremony sa pulis at militar na magbabantay sa Eleksyon 2022, isinagawa

May 2, 2022
PSU gears up for upcoming STRASUC Olympics 2022
Feature

PSU gears up for upcoming STRASUC Olympics 2022

March 28, 2022
Commander ng CGD Palawan, nagsagawa ng inspeksyon at pagpapailaw sa Balabac Station
Event

Commander ng CGD Palawan, nagsagawa ng inspeksyon at pagpapailaw sa Balabac Station

March 28, 2022
Next Post
3-week MASA 22 kicks off in Palawan

3-week MASA 22 kicks off in Palawan

Lalaki na binaril, masuwerteng nakaligtas

22 anyos na lalaki, huli sa entrapment operation matapos magnakaw ng cellphone

Discussion about this post

Latest News

Pista y Ang Kagueban tuloy na sa Hulyo 2

Pista y Ang Kagueban tuloy na sa Hulyo 2

June 27, 2022
Mimaropa PNP, nakahuli ng tatlong high value individuals sa drug operation

Mimaropa PNP, nakahuli ng tatlong high value individuals sa drug operation

June 25, 2022
SM reinvents ‘Building on Stilts’ as a Climate Resilient Design for the Future

SM reinvents ‘Building on Stilts’ as a Climate Resilient Design for the Future

June 25, 2022
Tourism Travel Fair, isasagawa sa Baragatan Festival 2022

Tourism Travel Fair, isasagawa sa Baragatan Festival 2022

June 24, 2022
Inclusive Uniformity: Empowering the Local Government to End Local Communist Armed Conflict

Musika Para sa Kalayaan

June 24, 2022

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    14078 shares
    Share 5631 Tweet 3520
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10090 shares
    Share 4036 Tweet 2523
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9341 shares
    Share 3736 Tweet 2335
  • JCA to Danao: Hindi ka na-elect para magbuhat ng bigas

    6170 shares
    Share 2468 Tweet 1543
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    5480 shares
    Share 2192 Tweet 1370
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing