Photo Credits to CG SN2 Magbanua and CG ASN Remo/PAO, CGDPAL

Event

National Women’s Month ngayong Marso, pinagdiriwang ng PCG

By Jane Jauhali

March 21, 2023

 

Nakiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ang mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) District Palawan.

 

Ang pagdiriwang ay nakatuon sa tema ng PCG – Palawan na “Kakaibabe ang Galing Volleyball and Basketball Games,” upang ipakita ang kanilang galing pagdating sa larangan ng sports.

 

Nagsagawa rin ang mga ito ng Coast Guard Dental Station (CGDSPAL), Medical Clinic (CGDMEDCPAL) at Nursing Service Palawan (CGNSPAL) at ilang programa para sa karagdagang kaalamang ng  mga inang kababaihan kaugnay naman sa pagbubuntis at cervical cancer awareness sa pamamagitan ni Dr. Romulo R. Robles ng Provincial Health Office (PHO).