Photo Credits to Provincial Comelec

Election

Comelec, tuloy-tuloy sa pagtanggap ng mga bagong magpaparehistro bilang botante

By Claire S. Herrera-Guludah

December 13, 2022

Inaasahang maaabot ng Commission on Elections ang isang milyon o higit pang dami ng mga magpaparehistrong bagong botante, bilang resulta ng muling pagbukas ng voter registration.

 

Kahapon, ika-12 ng Disyembre ang itinakdang pagsisimula ng muling pagtanggap ng mga bagong magpaparehistrong botante, mula 8:00 AM ng umaga hanggang 5:00 PM ng hapon sa lahat ng mga itinakdang lugar upang sila ay makapagpatala.

 

Samantala ipinabatid naman ng komisyon na walang voter registration sa Disyembre 24 at 31.

 

Sa lalawigan ng Palawan, nagpalabas ng talaan ang Comelec sa pamamagitan ng Pronvincial Comelec Spokesperson Jomel Ordas ng dami ng naitalang bagong botante sa unang araw pa lamang.

 

Total – 362

 

Per Application

New Registration

 

 

Top City/Municipality

 

Ayon kay Ordas, puspusan ang kanilang kampanya sa lahat ng mga lugar at mariing paghimok sa  mga Palawenño na samantalahin ang mga pagkakataon na maluwag pa ang kanilang mga opisina para sa pagpapartala. Kadalasan kasi, kung saang nagagahol na ang oras, saka pa lamang magsisiksikan ang mga tao, para humabol sa pagpapalkista sa Komisyon ng Halalan, na karamihan ayt umuuwing bigo dahil inaabutan ng cutoff hanggang sa mawalan na lamang ito ng kagustuhan pang magawa ang bukod tanging karapatan bilang mamamayan ng bansa, ang makapagbotro sa tuwing sasapit ng halalan at magkaroon ng kapangyarihan na mamili kung sino ang nanaising mamuno sa isang lugar o sa bansa sa pangkalahatan.