PDN Stock Photo

Election

Comelec Palawan, positibo ang reaksyon sa dami ng mga kabataang nagpapatala bilang voter’s new registrants

By Claire S. Herrera-Guludah

July 22, 2022

Positibo ang reaksyon ng pamunuan ng Commission on Election- Palawan sa dami at patuloy pa ring pagdagsa ng mga new voter registrants sa mga munisipyo ng lalawigan.

Ayon kay Jomel A. Ordas, designated Information Officer ng Office of the Provincial Election Supervisor, Palawan, natutuwa umano sila dahil sa dami ng gustong magparehistro para makaboto sa darating na eleksyon.

“Ang aming opisina ay lubhang nagagalak sa pagdagsa ng mga bagong registrant’s para sa darating na Barangay at SK elections,” saad nito.

Dagdag pa nito, “Disposisyon ng mga magulang ng mga kabataang nagpaparehistro ang kanilang kalagayan, gayundin ng mga lokal na opisyal ng kanilang mga lugar.”

Bagama’t  sinabi ni Ordas ang pangyayari sa lungsod ay nagaganap din sa ilang mga munisipyo ng lalawigan, nguni’t hindi naman umaabot sa pagtulog ng mga ito sa bangketa.

Dulot na rin ng maikling panahon na itinalaga ng Commission on Elections para sa pagpapatala ng mga botante kung kaya’t nagdadagsaan sa mga  itinalagang registration areas ang mga ito.

Ang pagpaparehistro ng mga  botante ay nagsimula noong ika-4 ng Hulyo at matatapos  hanggang alas-5 ng hapon na lang sa Hulyo 23 ang registration para sa barangay at SK elections.

“Patuloy naming hinihimok ang mga Palawenyo na samantalahin ang pagkakataon upang lumabas ng kanilang mga tahanan at magparehistro, at sa darating na buwan ng Disyembre ay ma-exercise nating lahat ang ‘right of suffrage’, na napakaimportante bilang isang mamamayan ng bansa,” pahayag nito.

Batay sa Republic Act 11462, marapat isagawa sa December 5, 2022, ang eleksyon ng mga opisyal ng Barangay at SK.

Samantalang ayon sa Republic Act 8189 o ang Continuing Registration Act, ipinagbabawal na ang pagsasagawa ng registration 120 araw bago ang regular elections.

Ipinahayag naman ng Comelec National Office na mula Agosto 2 hanggang 6 ay magsasagawa ng pag-aayos ang COMELEC sa mga presinto, paggawa ng bagong presinto at pag-check sa mga database ng komisyon ukol sa multiple o double registrant.

Samantala, narito naman ang pinakahuling datos na kanilang nakalap hinggil sa mga nakapagpatala, nagpalipat ng presinto, na maaaring madagdagan sa ilang araw pang nalalabi para sa naturang aktibidad:

Voters’ Registration Update

Palawan, July 4-21, 2022

TOTAL – 41,149

BY SEX

Male – 20,247

Female – 20,902

BY APPLICATION TYPE

New Registration

15-17 yrs old – 17,502

18-30 yrs old – 12,322

31 yrs old up – 1,673

Transfer from another city/municipality – 4,753

Transfer within same city/municipality – 2,641

Reactivation – 1,677

Change of Name/Correction of entries-576

Transfer from Overseas

Absentee Voter (OAV) – 5

BY CITY/MUNICIPALITY

Puerto Princesa City – 5,409

Bataraza – 4,512

Brooke’s Point – 3,688

Rizal – 3,300

Narra – 2,879

Sofronio Española – 2,361

Roxas – 2,353

Quezon – 2,351

Aborlan – 1,906

Taytay – 1,687

Dumaran – 1,582

El Nido – 1,445

Coron – 1,385

Balabac – 1,221

Cuyo – 853

Araceli – 822

San Vicente – 704

Busuanga – 620

Linapacan – 503

Culion – 466

Agutaya – 410

Magsaysay – 398

Cagayancillo – 272

Kalayaan – 2