Naging matagumpay ang isinagawang Grand rally ni Mayoral Candidate Florante Antazo sa City Baywalk Puerto Princesa kagabi, Mayo 5.
Nagkaroon ng motorcade kasama ang mga iba’t-ibang riders ng lungsod. Nakabantay din ang mga kapulisan sa Baywalk at naging maayos ito.
Sa naging talumpati ni Mayoral candidate Florante Antazo, sa harap ng mga supporters nito, kanyang inilatag ang kanyang eslogan ang “Kapwa ko Paglilingkuran ko, Serbisyo para sa mga mahihirap na kababayan.”
Kabilang sa kaniyang mga plataporma ay:
- Libreng abogado para sa mga mahihirap
- Financial Support para sa mga mahihirap na walang kakayahan o walang pambili ng gamot
- Pagpapatayo ng sariling ospital ng Puerto Princesa na magiging libreng gamutan para sa mga mahihirap
- Kasama rin sa kanyang ipapatayo ang Dialysis center
- Sports para sa mga kabataan
- Turismo ay kanyang ibabalik muli
- Kalinisan ng Puerto Princesa
- Pagtutok sa war on drugs sa lungsod.
Dagdag pa nito maging ang benipisyo na natatanggap ng mga Senior Citizen at PWD ay kanyang dodoblehin.
“Sa ating mga Senior Citizen at PWD, alam niyo kahit wala akong datos pero alam ko bilyon-bilyon ang pera ng syudad yung dalawang libo na quarterly na nakikita ko kayang-kaya yan doblehin natin para sa Senior Citizen at PWD. At bibigyan ko ng pagkakataon ang mga Senior Citizen na gustong magtrabaho alam mo will experienced na yan e, matatalino at honest ang mga Yan,” ani Antazo.
Nabanggit nito na kung siya ay maihalal bilang punong lungsod kanya rin tututukan at pa imbestigahan ang IMT, Local IATF dahil sa pandemic.
Kaya naman siya ay kumakatok sa mga puso, at nakikiusap sa mamamayan ng Puerto Princesa na sa darating na halalan ay isama sa panalangin upang magtagumpay ang nais nito na mapagsilbihan ang lungsod ng Puerto Princesa.