Photo Credits to Atty Gil Acosta and ONP

Health

R.A. 11887, Itinuturing na Legacy ng dating mambabatas Gil A. Acosta, Jr para sa Ospital ng Palawan

By Claire S. Herrera-Guludah

July 14, 2022

Buong pusong pinasalamatan ng pamunuan ng Ospital ng Palawan si dating Congressman Gil A. Acosta, Jr., dahil sa paglagda upang maging ganap na batas ang iniakda nitong House Bill 10324 na naipasa at naging Republic Act 11887.

Ang Republic Act 11887 o “An Act Increasing the Bed Capacity of Ospital ng Palawan from One Hundred (100) to Four Hundred Beds” ay isa sa mga panukala na nilagdaan ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong nakalipas na ika- 29 ng Hunyo, 2022, isang araw bago siya tuluyang bumaba sa tungkulin.

Sa panayam ng Palawan Daily News Team kay Dr. Melecio N. Dy, ang Medical Center Chief I ng Ospital ng Palawan, sinabi nito na, “ I would say it’s a historical [achievement] for Ospital ng Palawan. After so many years, kasi noong nakalipas na batas ay 1997 pa. Kaya napa-significant I would say so, accomplishment ito ni Congressman Acosta. The republic act is beneficial to the province of Palawan, at the same time to the institution din, dito sa Ospital ng Palawan, kasi we will be provided with appropriate resources, in terms of manpower and operating expenses, and without the republic act, this would not happen.”

Matatandaan na taong 2021 pa isinulong ang panukalang batas. Bukod dito , buong puso ding pinasalamatan ng pamunuan ng ospital si Senador Bong Go, dahil sa pagsulong ng counterpart na senate bill upang maging ganap na batas ang Republic Act 11887.

Sa pagdagdag ng bed capacity ng Ospital ng Palawan, inaasahang mas maraming mga mamamayang Palawenyo ang mabibigyang serbisyong medikal, lalo na yaong mga napapabilang sa maralitang sector at mga indigenous people.