Maaari pa rin mahawaan ang isang indibidwal kahit ito ay nabakunahan na kontra COVID-19. Ito ang nilinaw ni Dr Dean Palanca, Puerto Princesa City Incident Management Team (IMT) Commander. Isa sa mga posibleng dahilan umano ay ang dami ng antibodies na mayroon sa dugo ng isang tao.
“Kahit nagka-COVID ka na, base doon sa mga studies, ang maximal [protection na mabibigay] lang is mga 3 months. After 3 months, ang antibody mo bababa na. So after 3 months [o] pang 6 months may possibility [na] puwede kang mahawaan na naman ng panibagong COVID.”
Babala naman nito sa mga nagkaroon na ng nasabing virus, maghintay ng 3 buwan bago magpabakuna dahil may posibilidad na magkaroon ng ibang epekto ang bakuna sa katawan.
“Kaya after mga 3 months from that time na nagka-COVID ka [ay] doon ka magpa-vaccine. ‘Wag ka munang magpapa-vaccine ng within 3 months ka pa lang [since nagkaroon ng COVID-19]. Baka magkaroon ka ng ibang effect din parang ganun kasi may antibody ka na eh [tapos] magpo-produce ka ng antibody parang ganun [ulit kaya] ‘wag muna.”
Aniya wala pa gaanong mga pag-aaral kung gaano katagal epektibo ang mga bakuna kontra COVID-19 ngunit sa kasalukuyang mga pagsusuri ay 3 hanggang 6 na buwan lang mataas ang antibody ng isang tao kaya’t maaaring magkakaroon ng booster shots para rito sa hinaharap.
“‘Yun ang hindi natin alam [dahil] wala pang studies pero nakikita ko may booster-booster ‘yan kasi pinsan niya rin naman si flu eh. So si flu nga yearly tsaka ang bilis bumaba yung titer ng antibody mo eh. Tingin ko lang, opinion ko [ay] magkakaroon tayo ng booster dose ‘yan not unless siguro may magandang, bagong technology na maka-produce ng hindi mo kailangan [ng booster dose ng vaccine].”
“Saka nawawala yung titer mo within 1-month wala na [o] within 1 year. Diba within 6 months mababa na siya talaga yung dami ng antibody mo so you need a booster. Booster dose na talaga. Tingin ko lang sa nakikita kong possibility niyan.”
Samantala, nagsimula nang mag-roll-out ng Coronavac mula sa China kahapon, Marso 1, sa iba’t ibang ospital sa Maynila at target umano ng National Government na matapos ang pagbabakuna sa mga frontliners ngayong buwan ng Marso.