Nagsasagawa ng seaborne patrol ang mga tauhan ng Linapacan MPS kasama ang tatlong (3) Pulis noong Hulyo 9, bandang 9:30 ng umaga ng makita ang isang bangkang pangisda na walang pangalan, agad na nilapitan ng mga operatiba at tinanong kung may sapat na dokumento ang mga ito.
Ang mga mangingisda na nabanggit ay nabigong magpakita ng anumang mga kaukulang dokumento upang mangisda sa mga katubigan ng Linapacan, at sa pagsusuri ng grupo, nakita nila ang isang (1) air compressor na nakakabit sa naturang motorized banca bilang breathing apparatus, pati na rin ang mga kagamitan sa spearfishing at iba’t ibang mga isda na pinaniniwalaang nahuli sa pamamagitan ng spearfishing.
Nakumpiska mula sa kanilang pag-aari, kontrol, at pangangalaga ang mga sumusunod:
isang (1) kulay asul at puting motorized banca na walang pangalan na pinapatakbo ng dalawang makina (Kingston 12 hp),
isang (1) air compressor at paraphernalia, MOL sampung (10) kilo ng iba’t ibang sariwang isda na may kabuuang halaga sa merkado na PhP 700.00,
dalawang (2) piraso ng improvised speargun,
tatlong (3) pares ng improvised fins,
dalawang (2) piraso ng flashlight na ginagamit para sa night diving,
dalawang (2) piraso ng hand net (sibot/sigpaw),
dalawang (2) piraso ng goggles. Ang tinatayang halaga ng mga nakuhang ebidensya ay umabot sa MOL Php 159,000.00.
Ang mga nahuling lumabag at mga nakuhang ebidensya ay nasa kustodiya na ngayon ng Linapacan MPS para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post