Photos courtesy of Claire Gandeza Calvo Illescas / abcnews.com

Maritime

Dalawa sa mga Pinoy na namatay dahil pagbagsak ng tulay sa Taiwan, mga Palaweño

By Palawan Daily News

October 02, 2019

(UPDATED) Gumuho ang malaking tulay na tinatayo sa Taiwan na nagresulta ng pagkamatay ng mga tripulante ng isang fishing vessel, kabilang ang dalawang Pinoy na mga napag alamang mga Palaweño ngayong, ika-2 ng Oktubre.

Nakilala ang dalawa na sina Impang George Jagmis, 47 taong gulang, na taga Casian, Taytay, Palawan at isa pang si Romulo Illustrimo Escalicas Jr, 29 taong gulang na taga Agutaya, Palawan.

Namatay rin si Andree Abregana Serencio, 44, dahil naipit ang barkong kanilang sinasakyan.

Kabilang din sa mga namatay ang dalawang Indonesian na tripulante din ng nasabing sasakyang pangdagat na nabagsakan ng pagguho ng tulay.

Patuloy pa rin ang search and retrieval operations para hanapin ang nawawala pang si Escalicas.

Base sa panayam ng Brigada News FM Puerto Princesa kay Jojo Mondragon na OFW sa Taiwan, sugatan din sa nasabing pagguho si Alan Alcasado na ninirahan sa Araceli, Palawan.

Ligtas naman umano ang mga sumusunod:

Christopher Lucero – Bisucay, Cuyo, Palawan Juan Magalona – Capunayan, Cuyo, Palawan Eddie Acosta – Capunayan, Cuyo, Palawan Jestoni Acosta – Capunayan, Cuyo, Palawan Marlon Mondragon – Capunayan, Cuyo, Palawan Ranie Jagmis – Taytay, Palawan Alwen Latube Romel Gacita