Photo Credits to Department of Budget and Management

National News

Pensyon ng military retirees na inilabas ng DBM, mahigit P14-B

By Claire S. Herrera-Guludah

January 13, 2023

Mahigit sa 14 billion pesos (P14,025,351,666), ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) na Special Allotment Release Order (SARO) para sa Department of National Defense-Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

Ipinahayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, sinasaklaw ng SARO at ng kaukulang Notice of Cash Allocation (NCA) ang pension requirements mula Enero hanggang Marso 2023 kasama na ang ponding para sa regular pension requirements ng military retirees.

 

Sinabi pa ni Pangandaman na ang napapanahong pagpapalabas ng pondo para sa pension requirements ng military retirees ay isa sa mga hakbangin ng gobyerno para kilalanin ang kanilang kritikal na papel sa pagpapanatili ng seguridad at katatagan ng bansa.

 

Ang mga kahalintulad na istratehiya ay kabilang sa prayoridad ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.