Photo Credits to Department of Finance

National News

Pinakamataas sa loob ng 46 na taon ang 7.6% na paglago sa Gross Domestic Product ng bansa, ayon sa Department of Finance

By Claire S. Herrera-Guludah

January 27, 2023

Masayang ipinahayag ng pamunuan ng Department of Finance (DOF) sa pamumuno ni Secretary Benjamin Diokno ang naitalang 7.6% na paglago sa Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas ang siyang pinakamataas sa loob ng 46 na taon.

 

Itinuturing na pangunahing dahilan ng paglagong naturan ay ang ipinatupad na magandang market para sa trabaho mataas na domestic demand, at mga investment sa bansa.

 

Kaugnay nito, tiniyak ni Kalihim Diokno na lalo pang paghuhusayin ng kanyang pamunuan ang mga istratehiyang kinakailangan paera sa pagpapatuloy ng tagumpay na ito sa ekonomiya sa kabila ng mababang global economic outlook ngayong 2023.

 

Sa kasalukuyan, ang buong kagawaran ay nakatutok sa mga epekto ng mababang pag-usad ng ekonomiya sa buong mundo para makapaghanda na tugunan ang mga problemang kaakibat nito.