National News

Emergency loan program ng GSIS, pinalawig

By Diana Ross Medrina Cetenta

July 16, 2020

Hanggang sa Agosto 12 pa ang extension ng COVID-19 Emergency Loan Program ng Government Service Insurance System (GSIS).

Ito ang ipinabatid ng ahensiya sa pamamagitan ng kanilang social media post kahapon, July 14, 2020.

“Your GSIS family, headed by President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet understands your financial needs in these trying times. This is why we are now making the emergency loan available to you nationwide,” ang nakasaad pa sa post.

Nasa P20,000 naman ang pupwedeng utangin ng lahat ng miyembro at ang mga may edad at disability pensioners. Maaari naman nila itong mabayaran sa loob ng tatlong taon at nasa anim na porsiyento lamang kada taon ang interest rate.