Naglabas ng Labor Advisory No. 3, Series of 2022 na pinirmahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa lahat ng empleyado magtratrabaho sa February 1 (Chinese New Year) at February 25 (EDSA People Power Revolution Anniversary) kailangan may karagdagan sahod na 30 percent.
Kaya naman pinaalalahanan ang mga employer ng Department of labor and Employment (DOLE) na ang isang empleyado na magtratrabaho sa special non-working days ay kailangang bayaran ng 30 percent ang pinasok nitong walong oras.