Nilagdaan ni Department Of Health Secretary Francisco T. Duque III at DTI Secretary Ramon M. Lopez ang Joint Memorandum Circular No. 22-01 Series of 2022 na nagtatakda ng purchase cap or limit sa pagbili ng mga gamot gaya ng Paracetamol, Phenylephrine hydrochloride + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol, at Carbocisteine, upang maiwasan ang hoarding o pagtatago ng supply ng mga gamot.
Matandaan nitong nagdaang araw ay nagkaroon ng panic buying sa mga gamot at biglaan ang naging pagtaas ng bilang ng mga taong may mga sakit gaya ng ubo, sipon, at lagnat. Kaugnay nito ay ang pagtaas rin ng pangangailangan o demand sa mga gamot na makatutulong upang maibsan ang mga nabanggit na sakit.
Pinaalalahanan din ang lahat ng establisyemento sa pagbebenta online ng mga gamot ay hindi ito rehistrado maliban na lang kung pinapayagan ng Food and Drug Administration (FDA).
Nakasaad naman sa section seven na ang sinumang mahuhuli na lalabag sa batas sa kabila ng pagdeklara ng State of Public Health Emergency ay maaaring magmulta.
Samantala ayon sa DOH, ang ginawang Joint Memorandum ay maaring bawiin kung magiging stable na ang supply ng mga nabanggit na gamot.