Photo Credits to Office of the President

City News

Puerto Princesa, inaasahang makakabilang sa isinusulong na Pambansang Pabahay Program ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

By Claire S. Herrera-Guludah

January 17, 2023

Inaasahang mapapabilang ang lungsod ng Puerto Princesa sa programang isinusulong ng pamahalaang nasyunal na Pambansang Pabahay Program, sa ilalim ng pamumuno ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

 

Sa maikling mensahe na binanggit ng Alkalde ng lungsod Lucilo R. Bayron, sinabi nitong inaasikaso na ng lokal na pamahalaan ang mga detalye upang magkaroon ng access para sa naturang programa.

 

Nilalayon ng punong lungsod na sa pamamagitan ng national government housing agencies maraming mamamayan ng siyudad ang magkakaroon ng pagkakataong magkabahay ng disente.

 

Bukod dito, isa ring pamamaraan upang maisalba ay mapanumbalik ang kagandahan ng mga baybaying dagat na sakop ng lungsod ng Puerto Princesa, na kinabibilangan ng Ulugan Bay, Honda Bay at Puerto Princesa Bay, bukod pa sa ilang mga nakatira sa ilang bahagi ng lokalidad.

 

Inaasahang magiging reyalidad ang naturang adhikaing ito ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pakikipagtulugngan ng iba pang opisina ng siyudad.