Nagmistulang Santa Claus ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang First Lady ng bansa dahil sa kanilang mga ibinahaging pamaskong handog sa mga tukoy na benepisyaryo sa Open Amphitheater ng Rizal Park, Maynila.
Sa pamamagitan ng programa ng Unang Pamilya ng bansa na “Pangkabuhayan at Pamaskong Handog ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayanang Pilipino,” inaasahang kahit paano ay makapagbibigay ambag ang naturang mga aginaldo sa pang araw-araw na pangunahing pangangailangan ng mga street dwellers kasama na yaong mga indigenous peoples (IP) na umalis sa kanilang mga lugar upang maghanap-buhay sa kamaynilaan.
Sa naturang aktibidad umaabot sa may 400 kabataan at 574 pamilya kabilang ang ilang miyembro ng indigenous people (IP) groups na dating nasa mga lansangan at ngayo’y naibalik na sa mga komunidad ang mabibigyan ng Pamaskong Handog.
Samantalang naglalaman yaong mga ipinagkaloob na Pamaskong Handog ay mga food packs, hygiene kits, at gift packs bukod pa sa mga school supplies para sa mga bata.