Ipinasara ni Presidente Rodrigo Duterte ang lahat ng laro katulad ng Lotto, Small Town Lottery (STL), Keno at iba pang pasugalan na may mga lisenysa o prangkisa na nanggagaling mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) epektibo ngayong araw, July 27.
“Sa mga kababayan ko, I have today ordered the closure, the stoppage of all gaming schemes of whatever nature however that got the franchise to do so from PCSO,” pahayag ni Presidente Duterte.
Dagdag ng pangulo, nais nyang paimbestigahan ang issue ng malawakang korapsyon sa ahensya ng PCSO.
Inatasan din ng pangulo ang mga otoridad kabilang na ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP) na siguraduhing maipatupad ang kautusan.