National

Face-to-face classes sa kolehiyo, magsisimula na sa Enero 31 – CHED

By Hanna Camella Talabucon

January 12, 2022

Maaari nang magsimula ng face-to-face classes ang mga kolehiyo sa bansa na nasa ilalim ng Alert Level 3, ayon sa inilabas na rekomendasyon ng Commission on Higher Education o CHED noong Lunes, Enero 10.

Sa kopya ng advisory na inilabas ng CHED, sinabi nitong ang pag-apruba ng face-to-face classes para sa lahat ng programa sa kolehiyo ay bunsod ng pagsang-ayon din ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Health (DOH) sa suhestiyon na aprubahan o payagan na ang paglunsad nito para sa mag-aaral sa kolehiyo.

Bagaman ay masisimulan na ang inaabangang physical classroom classes para sa lahat ng kurso ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa katapusan ng Enero, ito ay maari lamang ipatupad ng mga paaralan na nasa area nasa ilalim ng Alert Level 3.

Nauna ng naglunsad ng face-to-face classes ang mga paaralan na saklaw ng Alert Level 2 at 1, para sa ilang mga kurso.

“Higher Education Institutions (HEIs) intending to hold limited face-to-face classes during the COVID-19 pandemic must be willing to assume the responsibilities for the reopening of their campuses based on their capability to comply with the health and safety protocols, to retrofit their facilities, and to get the support of their stakeholders,” ayon sa CHED.