News

Banggaan ng motorsiklo sa bayan ng Rizal, isa ang patay

By Jane Jauhali

March 16, 2022

Patay ang 17 taong gulang na lalaki na residente sa Barangay Bunog, Rizal, Palawan, na hindi na pinabanggit ng awtoridad ang pangalan sa naganap na banggaan sa pasado 1:00 AM kanina Marso 16, sa Purok Maligaya, Barangay Iraan, Rizal, Palawan.

Habang konilala naman ang nagkabanggaan nito na si Mark Justine Abantera Cabalda, 18 taong gulang, binata, residente sa  Barangay Iraan, Rizal.

Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, sakay ng Honda click ang nasawi na bumiyahe mula  Barangay Iraan, Rizal, patungo sa Barangay Punta Baja, Rizal, (North to South) at ang Euro na minamaneho ni Cabalda ay mula South papuntang North, pinasok nito ang linya ng honda click dahilan upang maganap ang banggaan.

Parehong sinugod sa pagamutan ang mga nasasangkot sa banggaan ngunit sa kasamaang palad dead on arrival ang minor de edad dahil sa tindi ng pinsala sa ulo na tinamo nito.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente.