Kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga puso, nagsagawa ng Clean-Up drive ang Marine Battalion Landing Team Tres, Department of Social Welfare and Development -4Ps, Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT), kasama ang lokal na pamahalaan at mga mamamayan ng Barangay Tinitian at Barangay Jolo sa bayan ng Roxas, kung saan ito inilunsad noong ika-14 ng Pebrero 2022.
Ipinamalas ang labis na pagmamahal sa kalikasan pati na rin ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa mga naturang barangay sa pamamaraan ng paglilinis sa dalampasigan na may layon na patuloy na maitaguyod ang pangangalaga sa inang kalikasan.
Ang Marine Battalion Landing Team Tres ay hindi lamang tamang kaagapay ng komunidad sa pagpapaigting ng katahimikan at kapayapaan sa bayan, ngunit sila rin ay maaasahang kasangga rin ng komunidad sa pangangalaga ng kalikasan.