News

Mag-ingat sa love scam at iba pang modus, ayon sa mga otoridad

By Claire S. Herrera-Guludah

December 22, 2022

Sa tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan nakikisabay ang mga iba’t-ibang grupo at indibidwal para gumawa ng iligal na aktibidad at makapagsamantala sa kanilang kapwa.

 

Kaugnay nito mahigpit na nagpalabas ng babala ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko naglipana ang love scam at sa iba pang mga modus ngayong holiday season.

 

Ipinaliwanag ni BOC Spokesperson at Customs Operations Chief Arnaldo dela Torre Jr., na ang love scam ay isang modus kung saan may tumatawag o magpapadala ng text messages o email sa isang consignee ng cargos o parcels upang humingi ng pera na kung saan nangangailangan ng clearance fees na umano’y ay gagamitin upang maibigay ang shipments mula sa Bureau of Customs.

 

Kaugnay nito mariing pinaalalahanan ni Dela Torre ang lahat ng mga mamamayan na pakakatandaang hindi tumatawag, nagti-text sa receiver o sa consignee ng bagahe ang Bureau of Customs para sabihin na kailangang magpadala o magbigay ng pera sa pamamagitan ng bank account o money transfer upang mai-release ang bagahe o kargamento.

 

Ilan pa sa mga detalye na dapat pakatandaan ninuman hingil sa kalakaran ng modus na love scam ay ang mga sumusunod:

  1. Gumagamit ng peke o kahina-hinalang account sa social media tulad ng Facebook.
  2. Humihingi nang paulit-ulit na mahahalaga at personal na impormasyon.
  3. Kinukuha ang iyong tiwala hanggang sa maging magkaibigan o malapit sa isa’t isa sa pamamagitan ng social media at sinasabi rin na may mga bagahe na pinadala.
  4. Sinisilaw ang kausap na umano’y naglalaman ng mamahaling gamit at ito daw ay naka-hold sa Customs.

 

Maliban dito minsan ay kakaibang istilo ginagamit ng scammer na siya umano ay nasa Pilipinas at hinold ng Customs sa paliparan. Sasabihin ng love scammer, na magdeposito ng pera sa personal bank account o magpadala sa pamamagitan ng money remittance para ma-release ang bagahe o ma-release ng Customs.

 

Sa mga nakaranas o kasalukuyang may agam-agam sa kanilang katransaksyiyon maaaring tumawag kaagad sa Hotline numbers ng Bureau of Customs o dili kaya ay mabilisang magbigay ng mensahe sa kanilang mga social media accounts bago tuluyang mahulog sa patibong ng love scam at iba pang uri ng modus mula sa mga mapagsamantalang inidbidwal o grupo.

 

BOC Hotline-(02) 8705-6000

 

BOC Social Media Accounts:

 

Facebook: Bureau of Customs PH

 

Twitter: Customs PH

 

Instagram: Customs.PH

 

Email: boc.cares@customs.gov.ph