Bilang Commandant ng Philippine Marine Corps, bumisita si Major General Nestor C. Herico, Philippine Navy (Marine) ng 34th Commandant of the Philippine Marine Corps sa Marine Battalion Landing Team-3 sa Barangay Minara, Roxas, Palawan.
Mainit na sinalubong ng mga opisyal mga kasundaluhan sa hanay ng mga kababaihan at kalalakihan ng MBLT-TRES kasabay ng pagbisita nito ang pagsagawa ng “Talk to Troops” binigyang diin nito na may mas matalinong pwersa ang mga kasundaluhan, at kayang manindigan sa anumang hamon sa buhay lalo na sa kanilang tapat na serbisyo sa mamamayan, respeto sa kanilang mga kasamahan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) pagbabantay sa kumunidad at kalikasan.
“Let’s continue to be SMARTER Marines. And as we go along our path as a modern Philippine Marine Corps. It is something that we have to be proud of. It is something that we have to take pride and we have to live to the standard as a Marines,” pahayag ni Herico.
Karangalan ng pamunuan ng MBLT-TRES na kilalanin ang mga naging kontribusyon ng kanilang mga kasundaluhan sa matagumpay na misyon na kanilang napagtagumpayan kaya naman nagpapasalamat ang Marine Battalion Landing Team-Tres sa mga opisyal at personnel ng Armed Forces of the Philippines.