News

Panukalang ordinansa sa pamasahe sa traysikel sa bayan ng Narra, pinag- uusapan na

By Nora Guanco

October 07, 2022

Isang public hearing hinggil sa panukalang ordinansa sa bayan ng Narra, ang pinagtalakayan ngayong araw, ika- 7 ng Oktubre na pinangunahan ni SB Member Cenon Garcia, at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t- ibang sector.

 

Ang Draft Ordinance No. 1543- 022 ay nagsasaad ng: An Ordinance revoking the Municipal Ordinance# 2020- 1023 Entitled, ” An Ordinance temporarily suspending the existing tricycle fare System and adopting a temporary fare rate for Public Motorized Tricycle for Hire in the Municipality of Narra, Province of Palawan and providing penalties for violation thereof, until such that Social Distancing and Health Protocols are lifted in connection with COVID-19 PANDEMIC “.

 

Ayon sa Public Hearing may pagbaba sa pasahe ng tres (3.00) pesos mula sa dating bente pesos (20.00) na magiging 17.00 pesos at labing-apat na piso (14.00) pesos naman para sa mga Senior Citizens.

 

Sa napagkasunduan ng lahat ng dumalo at matutupad lamang ang pinag-usapan pagkaraang maamyendahan ang Draft Ordinance No. 1543-022 ng lahat ng mga lokal na mambabatas.

 

Bukod dito, inilatag din ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board ang Tricycle Fare Matrix kasabay ng pagtukoy ng mga lugar para sa pagbaba at pagsakay mng pasahero sa bahagi ng poblasyon ng bayan ng Narra, nang walang kaakibat na dagdag pasahe.

 

Ang mga lugar na tinukoy ay ang mga sumusunod; Public Market, Municipal Government Offices, Brgy. Poblacion Hall, Narra Sports Complex, Iglesia ni Cristo, Catholic Church, all Schools except the Narra West Elementary School, Upper Lapu- Lapu Elementary School and Upper Lapu- Lapu National High School.

 

Kasabay ng pagdinig ang pagtalakay sa bahagi ordinance # 2021- 1232 na nagsasabing: ”  that an additional Ten Pesos (10.00) waiting time charge in the fare of Commuters for every ten (10) minutes of waiting period the tricycle driver was required to wait by the commuter will be added,” ito naman ay nakapapaloob sa ilang mga kalapit na barangay ng bayan ng Narra, na kinabibilangan ng: Antipuluan, Bagong Sikat, Batang- batang, Bato- bato, Caguisan, Calategas, El Vita, Estrella Village, Dumagueña, Malatagao, Malinao, Taritien, at Teresa.

 

Sa panghuli, pinaalalahanan ni Kgd Cenon Garcia na ipinagbabawal ang mga traysikel na dumaan sa national highway, batay na rin sa  kautusan ng Department of Interior and Local Government o DILG.