PDN Stock Photo

Peace and Order

Patuloy na pagbaba ng dami ng krimen, ikinatutuwa ng mga Palaweño

By Claire S. Herrera-Guludah

December 13, 2022

Lubhang kapansin pansin ang gasinong pagkakaroon ng mga krimen saan mang panig ng bansa, kung mga balita sa telebisyon, radio at diyaryo ang pagbabasehan.

 

Dito sa lalawigan ng Palawan, isa sa nagsisilbing barometro ng mga krimen ay ang mga naipo-post sa social media particular sa Facebook.

 

Matatandaang nagpahayag ang pamunuan ng Philippine National Police na maaaring bababa ang crime trend ngayong Disyembre kumpara sa mga nakaraang buwan.

 

Ito ay batay sa ipinahayag ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa isinagawang Year-End Command Conference sa Camp Crame, Quezon City.

 

Sinabi ng pinuno ng PNP, ang maaaring pagbaba ng crime trend ay malinaw na resulta ng kanilang ipinatupad na 85 percent deployment ng mga PNP personnel sa vital installations, mobilisasyon ng mga force multiplier bilang dagdag na suporta sa security operations at pagsasagawa ng checkpoints.

 

Bukod dito, sinabi pa ni General Azurin na nakatulong din ang paglalabas ng infographics kaugnay ng safety tips upang maiwasang mabiktima ng mga criminal, kasabay din ng kanilang magkakasunod na pagkakadakip sa mga manufacturer, reseller at user ng illegal firecrackers at pyro technique device upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

 

Dito sa lungsod ng Puerto Princesa, kapansin pansin ang mga nakaunipormeng tauhan ng Philippine National Police na nakaposte sa iba’t- ibang lokasyon, na malaking bagay para magdalawang isip ang sinumang nagbabalak gumawa ng krimen, dahil mayroon kaagad presensiya ng mga otoridad.

 

Sa mga bayan naman, palaging umiikot ang mga mobile patrol cars ng mga Municipal Police Stations, upang masiguro na ang mga residente ng lugar ay nasa maayos at ligtas na kalagayan, bukod pa sa mabilis na nakakapagbigay ayuda sa panahon ng emerhensiya.

 

Sa panayam ng Palawan Daily, sa ilang mga mag-aaral na umuuwi ng gabi mula sa kanilang mga eskwelahan, ramdam nila ang kanilang ligtas na biyahe dahil mayroon pang presensiya ng mga PNP personnel sa mga terminal ng sasakyan, at ang pag- iikot ng mga tanod sa kanilang barangay ay tuwiran ding ipinatutupad ng kanilang mga barangay officials.

 

Sa kabuuan, sinasang-ayunan ng karamihang naka-ugnay ng PDN ang sinabi ng pinuno ng PNP, na posibleng bababa ang crime trend ngayong buwan, at malaki ang kanilang paniniwala na magpapatuloy ito sa susunod na taon.