Photo Credits to PNP PPC and Palawan

Peace and Order

Mga pinuno ng City PNP at Provincial PNP ng Puerto Princesa at Palawan, nakapagsumite na ng courtesy resignation

By Claire S. Herrera-Guludah

January 12, 2023

Tinugon na ng dalawang pinakamataas na opisyal ng Philippine National Police sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan ang panawagang magsumite ng courtesy resignation kaugnay sa direktiba ni DILG Secretary Benhur Abalos sa mga may ranggong General at PCol sa PNP upang matukoy ang mga opisyal na maaaring sangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.

 

Nabatid na pormal na nakapagsumite ng courtesy resignation si Palawan Provincial Police Office (PPPO) Director PCOL Adonis B. Guzman, Jr., at Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Director PCOL Roberto M. Bucad, nitong ika- 8 ng Enero, 2023.

 

Ang dalawang  mataas na opisyal ay kusang loob na sumunod at  handing sumailalim sa mga proseso, assessment, investigation ng bubuuing 5 man committee bilang pagsuporta sa maganda at malinis na layunin ng PNP.

 

Inaasahang lalo pang aangat ang integridad ng mga miyembro ng Philippine National Police, sakaling ganap na maipatupad ang PNP Internal Cleansing Program.

 

Patuloy naman ang dalawang pinuno ng PNP sa kanilang pagganap ng kanilang responsibilidad kasabay ng pagsisiguro ng pagpapanatili ng matiwasay at tahimik na lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan.