Police Report

18 taong gulang na wanted person sa Balabac, nahuli na ng pulisya

By Diana Ross Medrina Cetenta

July 29, 2020

Nadakip na ng Balabac MPS ang isang suspek na halos isang taon nang nagtatago sa batas dakong 4:30 pm kahapon, July 28, 2020.

Kinilala ang suspek na si Leogene Buahe Matunding, 18 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Catagupan, Balabac, Palawan.

Inaresto ang nasabing indibidwal dahil sa paglabag sa Section 28 (E)(1) ng RA No. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” Kung saan inirekomenda ng korte ang P120,000 piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.

Nahuli naman ang suspek ng mga alagad ng batas sa Brgy. Catagupan, Balabac sa bisa ng Warrant of Arrest na ibinaba ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng RTC Branch 165 (Brooke’s Point, Palawan) na may petsang November 8, 2019.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Balabac MPS ang nasabing indibidwal at nakatakdang ipresenta sa korte para sa tamang disposisyon.