Huli sa ginawang entrapment operation ng Puerto Princesa City Police Station 1 ang 22 anyos na construction worker na siĀ Justine Garri Boco, at residente sa Zone 3, Purok Abanico, Barangay San Pedro.
Ayon sa ulat ng PPCPO, pumunta sa Police Station 1 ang biktimang si Dona May Rosario Cagalingan, 31 anyos.
Ayon sa biktima, nagising siya ganap na 5:30 ng umaga, ika-8 ng Hunyo, nang mapansin niya na wala na ang kanyang cellphone na nakalagay sa ibabaw ng mesa. Napansin din ni Cagalingan na sira na ang bintana.
Ganap na 8:00 ng umaga ngayong araw, Hunyo 8, nakita niya na nakapost na sa buy and sale ang kanyang cellphone at agad siyang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad.
Nagkaroon ng transaksyon sa pagitan ng biktima at suspek dahilan upang mahulog sa entrapment operation ang lalaki.
Sinampahan na ng PNP sa kasong Robbery ang suspek at kasalukuyang nakapiit na sa Police Station 1.