26-anyos na lalaki, pinatay

0
305
Contributed photo
- Advertisement -

Patay ang isang lalaki sa pamamaril sa harap ng kaninalang bahay dako 12:00 ng hapon, Marso 4, 2019.

Kinilala ang biktima na si Renato Nacar Jr, 26 na taong gulang, residente ng Sitio Linapacan, Barangay Abaroan, Roxas, Palawan.

Nagtamo ang biktima ng isang tama ng baril sa ulo at isa sa likuran na agad naman nitong ikinasawi sa harapan ng kaninalang bahay.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, hinatid lamang nito ang kanyang ina at pagbalik niya ng kanilang bahay ay may nag-aabang na dalawang tao dito at saka siya pinaputukan.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng calibre 45 at 9mm. Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang posibleng motibo sa pagpatay.

- Greetings -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here