Police Report

3 wanted sa northern Palawan, arestado

By Diana Ross Medrina Cetenta

June 01, 2020

Arestado na ng mga otoridad kamakailan ang tatlong wanted individuals buhat sa northern Palawan.

Kinilala ang mga suspek na sina Felix Gigante Alolod, 27 anyos, binata, seaweed farmer, na residente ng Sitio Silad, Brgy. Algeciras, Agutaya; Carmelito Felipe “Kuya Dong” dela Cruz, 39 anyos, binata, construction worker at residente ng Brgy. Bucana, El Nido at John Rey Gutierez Castillo, 22 taong gulang, binata, isang mangingisda at residente naman ng Brgy. Baras, Taytay, Palawan.

Naganap ang magkakahiwalay na paghuli mismo sa lugar ng mga suspek noong Sabado, Mayo 30, na kung saan unang nadakip si Castillo bandang ika-3:20 ng hapon, sinunandan ni Alolod bandang ika-8:30 ng gabi base sa ibinabang warrant of arrest ni RTC Branch 48 Presiding Judge Leah Baguyo noong Abril 2019 at ni dela Cruz bandang ika-8:50 din ng gabi ng petsa ring iyon base naman sa ibinabang warrant of arrest na ibinaba ni RTC Branch 14-FC-Taytay noong Mayo 2020.

Si Castillo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (g) ng RA 9262 (four counts) at may P72,000 na piyansa para sa bawat isa; si Alolod naman ay dahil sa krimeng frustrated murder na may inirekomendang piyansa na angkakahalaga ng P200,000 habang si dela Cruz ay dahil sa paglabag sa Section 5 (b) ng RA 7610 at may inirekomenda ring piyansa na nagkakahalaga ng P200,000.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ang mga suspek sa nabanggit na mga himpilan ng pulisya at naakatakdang iharap sa issuing court para sa tamang disposisyon.