Police Report

4 arestado sa drug buy-bust operation

By Gilbert Basio

April 20, 2021

Nadakip sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad ang 4 na lalaki bandang alas 10:30 ng gabi noong Linggo, April 18, 2021 sa Sitio Nalbot, Barangay Poblacion, Taytay, Palawan.

Ang mga suspek ay kinilalang sila Gian Carlo Calago Oliva, 34 anyos, Pablo Tacdoro Manga, 38 anyos, Ariel Amodio Piamonte, 37 anyos at Marlon Piamonte Delos Santos, 24 anyos.

Nakumpiska sa mga ito ang 3 plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Ang apat ay nasa kustodiya na ng PNP at nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.