Isang ginang ang inaresto ng PNP sa Bayan ng Brooke’s Point kahapon ng hapon dahil sa paglabag sa Child Abuse Law.
Sa spot report na ibinahagi ng PPO ngayong araw, nakasaad na inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Brooke’s Point MPS dakong 2:30 pm kahapon sa pamamagitan ng ibinabang Warrant of Arrest ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng RTC 165 na may petsang July 9, 2020. Ang pagdakip ay dahil sa paglabag umano ng nasabing indibidwal sa probisyon ng Sec. 10 (a) ng RA 7610.
Inirekomenda naman ng korte ang P80,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Brooke’s Point MPS ang naarestong indibidwal at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa proper disposition.