Police Report

55-anyos, pinatay sa taga ng kapatid

By Imee Austria

June 26, 2018

PUERTO PRINCESA CITY – Patay ang isang lalaki makaraang tinaga ng kaniyang kapatid sa Barangay Sta. Monica kagabi, Hunyo 25.

Kinilala ang biktima na si Eliseo Compasion Padon, 55, construction worker, at ang suspek na si Nestor Compasion Padaon, parehong may asawa at residente ng naturang barangay.

Batay sa report ng Puerto Princesa City Police Station 2, nag iinuman ang magkapatid sa purok Imelda Barangay Sta.Monica mga 9:40 ng gabi.

Nagpaalam na ang suspek sa kapatid nito na uuwi na at habang naglalakad pauwi ang suspek ay sinundan ito ng biktima at nagkaroon ng pagtatalo hanggang nauwi sa pananaksak. Nagtamo nang apat na saksak sa dibdib ang biktima dahilan ng agarang kamatayan nito.

Samantala agad naman tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksiyon at maharap ito sa kasong pagpatay.

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang naturang suspek.