Police Report

7th Most Wanted sa Palawan, arestado sa bayan ng Taytay

By Jane Jauhali

January 12, 2022

Arestado ng Taytay Municipal Police Station ang lalaki na wanted sa batas at Rank No. 7 Provincial Level noong Enero 7 sa Barangay Poblacion, Taytay, Palawan.

Kinilala ang suspek na si Rene Bengona Aguilar Jr., mangingisda, at residente sa Brgy. Casian, Taytay, Palawan.

Inaresto ang lalaki ng PNP sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Emmanuel Q. Artazo, RTC Branch 14 (Family Court), Taytay, Palawan noong ika-15 ng Setyembre sa kasong statutory rape.