Police Report

Ama na sinaksak ng anak dahil sa pagtulak sa kanyang ina, patay

By Jane Jauhali

April 08, 2022

Patay ang padre de pamilya matapos pagsaksakin ng sarili nitong anak ganap na 8:00 kagabi, ika-7 ng Abril.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Manango Verdida, 66 anyos, habang ang suspek ay kinilalang si Gideon Galia Verdida, 38 anyos, pawang residente sa Purok 15, Sitio Tagbarungis, Barangay Inagawan-Sub.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya at base sa salaysay ng asawa ng biktima, galing sila sa kapitbahay na nagdiriwang ng kaarawan, pauwi na sila nang itulak siya nang kanyang asawa at nakita ito ng kanyang anak.

Nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama pagkauwi sa bahay. At habang siya ay nakaupong umiiyak sinabihan siya ng kanyang asawa na “bakit ka umiiyak? tama na yan matulog ka na.”

Makalipas ang ilang minuto ay narinig niyang sumigaw ang biktima na “Yong anak mo sinaksak ako, tulong!”

At nakita nito na duguan na ang biktima agad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbhay habang ang kanyang anak ay tumakas.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima na kaulanan ay binawian na rin ng buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at tinutugis na ang suspek.