Police Report

Babaeng natagpuang patay sa Barangay Sta. Monica, ginahasa nga

By Jane Jauhali

January 25, 2022

Batay sa  lumabas na resulta ng post-mortem examination na isinagawa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa bangkay ng biktima nakitaan ito ng multiple perineal laceration o sugat sa maselang bahagi ng katawan at may nakita ring spermatozoa o semilya ng lalaki.

 

Lumabas din sa examination sa bangkay ang naging dahilan ng pagkamatay nito ay asphyxiation secondary to strangulation o kawalan ng hangin dahil sa pananakal ang dahilan ng kamatayan nito.

 

Matatandaan noong araw ng Sabado Enero 22, natagpuang wala ng buhay at hubo’t hubad sa Purok Pagkakaisa sa Barangay Sta. Monica ang biktima.

 

Samantala nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP upang malaman kong sino ang suspek at panawagan ng pulisya  sa mga mamamayan na makipagtulungan sa kanilang tanggapan at huwag matakot alang-alang sa ikalulutas ng kaso.