Police Report

Bangkay ng senior citizen, nakita sa El Nido

By Diana Ross Medrina Cetenta

August 27, 2020

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang senior citizen kahapon sa Bayan ng El Nido.

Kinilala ang biktima na si Vivencio Abandanio Cinco, 72 taong gulang, unemployed, at residente ng Sitio Cabugao, Brgy. Masagana, El Nido, Palawan.

Sa spot report galing sa Palawan PPO, nakasaad na nag-iisang namumuhay ang biktima sa kanyang tahanan at huling nakita dakong 4:00 pm noong Agosto 24, 2020.

Ayon sa PNP, wala silang nakitang foul play sa pagyao ng nasabing indibidwal.

Dinala naman ang bangkay sa Solivio Funeral Homes habang hiniling ng El Nido MPS sa El Nido Municipal Health Office na magsagawa ng post-mortem examination.