Canadian national, natagpuang patay sa Barangay Tiniguiban

0
153
Richard Letkeman
Print Friendly, PDF & Email

Patay at nangangamoy na ang katawan ng isang banyaga nang ito ay nakita sa kanyang tinutuluyang paupahang bahay 3:00 P.M. kahapon.

Nakilala ang banyaga na si Richard Letkeman, 77-anyos, at Canadian citizen na tumira sa nasabing bahay.

Saad ni Anna, caretaker ng inuupahang bahay nito sa Pablico Road 2, Barangay Tiniguiban, nitong araw ng Lunes nang huling nakita nito ang biktima na nakaupo sa labas ng kwarto na inuupahan nito. At hindi niya inakala na huling pagkakataon na naniyang nakita na buhay ang matanda.

“Nakita ko pa yan sya noong Lunes, kinakawayan nya pa nga ako. Madalas syang nakaupo sa labas ng pinto nya kasi doon sya naninigarilyo. Tapos kinabukasan, hindi ko na sya nakita,” pahayag ni Anna.

Dagdag ni Anna, nagreklamo umano ang umuupa sa katabing kwarto ni Letkeman na may mabahong amoy sa loob ng silid ng nasabing biktima.

Dahil dito, tumawag si Anna ng pulisya upang ipaalam kung ano ang sanhi ng masangsang na amoy.

“Nagreklamo kasi yong kaboardmate nya na mabaho nga daw. Ayaw ko namang bukasan ang kwarto nya pero galing talaga sa loob ang amoy. Kaya tumawag na kami ng pulis. Tapos ayon na pagbukas namin, umalingasaw na agad ang amoy. ilang araw na pala syang patay,” pahayag ni Anna.

Ayon sa inisyal imbestigasyon ng SOCO, normal death ang sanhi ng kamatayan ng biktima na posibleng umanong inatake ito sa puso. Wala namang senyales na nagulo ang kwarto nito at wala ring nawawalang gamit ang biktima.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad sa mga kaanak ni Letkeman para ipaalam ang sinapit nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here