Police Report

Construction worker, suspek sa pagpatay arestado sa Puerto Princesa

By Jane Jauhali

March 21, 2022

Arestado ng Puerto Princesa City Police Station 2, ang lalaking suspek sa pagpatay sa Barangay Irawan pasado 12:30 ng tanghali ika-20 ng Marso.

Kinilala ang suspek na si Dante Pineda Reyes alyas “Badboy,”58-anyos, construction worker at residente sa Sitio Solomon Barangay Iwahig, Puerto Princesa City.

Ayon sa ulat ng PS2, ang suspek ay mayroong warrant of arrest na pirmado ni Judge Leah E. Delos Reyes Baguyo ng RTC Branch 48, 4th Judicial Region, noong Hulyo 30,2021.

Dahil sangkot sa pagpatay ang suspek kaya nagkaroon ng warrant of arrest. Wala namang inilaan na pyansa sa kaso ng lalaki para sa pansamantalang kalayaan nito.

Kasalukuyan nang hawak ng awtoridad si Reyes.