Patay sa pananaksak ang biktimang si Johnny Candong Lascota, 54 anyos sa Purok Trece, Barangay Inagawan Sub.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pasado 10:30 ng gabi ika-28 ng Marso, nang maganap ang krimen.
Kinilala ang suspek na si Ryry Marquez at ex- convict na residente sa nasabing lugar.
Si Marquez na siyang suspek sa pananaksak, ay binaril naman ng suspek na si Jimmy Candong Lascota, 51 anyos, kapatid ng sinaksak.
Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakikipag inuman si Lascota kasama ang suspek na si Ryry sa bahay ni Norman Abrina, ganap na 5:00 ng hapon, at naisipan ng mga ito na lumipat sa tahanan ng biktma.
Ayon sa salaysay ni Marisa Lisian Duka, live-in partner ng biktima na si Lascota, habang nasa kusina ay nag-aya ang biktima sa suspek na kumain at magpalit ng damit nang marinig nito na sumigaw ang kanyang live-in partner na “tulong” na agad siyang lumabas naman sa kanilang kuwarto at nakita na duguan si Lascota.
Ayon daw sa suspek matapos gawin ang krimen sinabi sa kanila na “bahala na kayo diyan,” saka umalis ito.
Sa ginawang follow-up imbestigasyon ng mga awtoridad 7:00 nitong umaga ng Marso 29, ay natagpuan ang katawan ng suspek na si Marquez sa nasabing lugar.
Napag-alaman na ang suspek ay ang kapatid ng biktima na sinaksak ni Marquez. Naaresto ito sa bahay ng kanyang kapatid na posibleng paghihinganti ang naging motibo nito.
Nasa kustodiya na ng Police Station 2 ang suspek na si Jimmy Lascota at nahaharap sa kasong pagpatay.