Police Report

Dalawang ilegalista, huli sa checkpoint sa Puerto Princesa

By Jane Jauhali

March 16, 2023

 

Nahuli ng Police Station 2 ang dalawang lalaking ilegalista matapos maharang ang kanilang sinasakyang Mitsubishi Canter habang nagsasagawa ng checkpoint sa Barangay Irawan lungsod ng Puerto Princesa kahapon ng Miyerkules, Marso 15.

 

Kinilala ang dalawa na sina Isias Alvarez Matulac, 47-anyos at Abdurahim Amping Detoyato, 58-anyos, at parehong residente sa bayan ng Taytay, Palawan.

 

Napag-alam na ang nilalaman ng sasakyan ay umaabot sa limampo’t-walong (58) karton ng mga smuggled cigarettes.

 

Kasong paglabag sa R.A.10644 o “The Graphic Health Warnings Law” ang kinakaharap na kaso ng dalawang  suspek.