Police Report

Dalawang indibidwal arestado sa magkahiwalay na operasyon ng PNP

By Lexter Hangad

February 22, 2021

Timbog ng mga awtoridad ang dalawang Wanted Person sa bayan ng Coron at Roxas, Palawan sa magkasunod na araw ng Pebrero 20-21, 2021.

Base sa spot report ng Provincial PNP, kinilala ang mga naaresto na si Rosalinda Francisco Dela Cruz, 67 anyos, may asawa, at resident ng Brgy. Guadalupe, Coron,Palawan. Inaresto ito dahil sa kasong Serious Physical Injuries na may Criminal Case No. 4168 at may kaukulang piyansa na Php P18,000.00 para sa pansamantala nitong kalayaan. Habang ang isang naaresto naman ay kinilalang si Rolly Paredes Palacio, 20 anyos, walang asawa, isang construction worker at residente ng Brgy Tumarbong, Roxas, Palawan. Inaresto ito dahil sa kasong Attempted Homicide na may Criminal Case No. 23834 at may kaukulang piyansa na Php 36,000.00 para sa pansamantala nitong kalayaan. Samantala nasa pangangalaga na ngayon ng kapulisan ang mga nadakip para sa kaukulang disposisyon.