Arestado nang PNP ang dalawang lalaki na wanted sa batas sa lungsod ng Puerto Princesa.
Unang inaresto ang isang lalaki sa Zone 4, Barangay Irawan, na kinilalang si Erwin Bacaltos Miagao, 42-anyos, food delivery, at residente ng Nadayao Road, Purok Panaligan, Barangay San Pedro.
Ayon sa Police Station 2, ganap na 5:00 PM, Marso 3, nang maaresto ang lalaki sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Angelo Ramirez Arizala, ng RTC Branch 52, 4th Judicial Region, Puerto Princesa City, sa kasong Cybercrime Prevention Act of 2012 (R.A 10175).
Kinakailangan naman magkapagpyansa ang suspek sa kaso nito na halagang P30,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Kasalukuyan nakapiit sa Police Station 1 si Miagao.
Sa Barangay San Manuel, noong Marso 7, ganap na 1:00 PM, arestado naman ng Police Station 1, Criminal Investigation and Detection Group Palawan (CIDG) at 2nd Palawan Police Mobile Force Company, ang lalaki na wanted sa bata na si Ephraim Umagap Mandal, 45-anyos, na residente sa Purok Typoco, Barangay San Manuel.
Bitbit ng PNP ang warrant of arrest na pirmado ni Judge Rohima Rias Sarra ng MTCC Branch 2, 4th Judicial Region, Puerto Princesa City Palawan, sa kasong Attempted Homicide.
P36,000 naman ang inilaang pyansa ng korte para sa kaso ng suspek.
Nasa kustodiya na ng CIDG Palawan ang mga suspek.