Nagsagawa ng operasyon o Oplan Galugad sa Provincial Jail sa SPS Compound, Barangay Bancao-bancao ngayong araw, Abril 23, ganap na 3:30 ng umaga at nadiskubre ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu, mga paraphernalia, patalim, cellphone at ibang pang pinagbabawal sa loob ng kulungan.
Ito ay alinsunod sa kautusan ni Police Colonel Adonis B. Guzman, Provincial Director, sa mga kawani ng 1st Provincial Mobile Force Company, 2nd Provincial Mobile Force Company, Palawan Provincial Police Office SWAT, Palawan Provincial Police Office EOD, K9 units, City Mobile Force Company, Regional Drug Enforcement Unit, Criminal Investigation and Detection Group, Provincial Force Unit Palawan, Philippine Drug Enforcement Agency Palawan, PJMD sa pangunguna naman ni (Ret) Jail Warden Police Colonel Gabriel Lopez.
Isa-isang hinalughog ang mga silid ng mga Person Deprived of Liberty (PDL) partikular sa Main Building at Annex Building, at bawat inmate ay isinailalim sa inspeksiyon.
Sasailalim rin sa imbestigasyon ang mga PDL at posibleng madagdagan ang mga kaso ng mga ito dahil sa kanilang paglabag sa batas.
Discussion about this post