Wala ng buhay nang matagpuan ang isang meyembro ng LGBT sa Barangay Mangsee, Balabac, Palawan noong Enero 14.
Kinilala ang biktima na si Neslie Espidido Casio, single, 27 anyos, at residente sa Brgy Poblacion 6, Balabac Palawan at isang miyembro ng LGBTQ community.
Ayon sa Balabac Municipal Police Station, nagtungo sa kanilang tanggapan ang pinsan ng biktima na si Neslie upang i-report ang insidente. Nakita umano ang biktima na palutang lutang sa dagat sa Barangay Mangsee.
Sa nakalap na impormasyon ng News Team umalis daw kahapon upang sumama sa kampanya at kinagabihan ay nakipag inuman kasama mga kaibigan nito at kanina ay natagpuan na lamang itong patay.
Pinaghihinalaang sinaksak ang biktima pagkatapos sumailalim sa post-mortem. Sa ngayon, nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang PNP sa nangyaring krimen.
Discussion about this post