Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto si Emerson Abis Paredes, 43 anyos, self-employed sa Barangay Buena Suerte, El Nido, Palawan linggo ng hapon, February 7, 2021.
Base sa ulat El Nido Municipal Police Station. Dinakip ito dahil sa kasong paglabag sa Section 11 at section 15, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasa pangangalaga si Paredes ng El Nido PNP habang hinihintay na maiharap ito sa korte para sa kaukulang disposisyon.