Arestado sa Barangay Tinintinan sa bayan ng Araceli Palawan noong ika-23 ng Marso, ang isang lalaking nanghalay na kinilalang si Frederick Disamparo Magbanua, 42 anyos, at residente ng Barangay Calandagan, sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, ang suspek ay Rank No.1 ng Municipal Level sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Leopoldo Mario Legazpe, RTC Branch 49, Puerto Princesa City, noong Pebrero 9, taong 2010 sa kaso ng panghahalay.
Napag-alaman ng mga awtoridad na matagal nang nagtatago sa batas si Magbanua.
Walang inirekomendang pyansa sa kaso ng suspek ang korte at kasalukuyang nakapiit na sa Araceli MPS.