Police Report

Lalaki na nagbebenta ng droga sa Puerto Princesa, arestado

By Jane Jauhali

March 25, 2022

Arestado ng Puerto Princesa City Police Station 2, Anti-Crime Task Force (ACTF) sa anti-illegal drugs buy-bust operation ang lalaki na isang High Value Individual (HVI) na nagbebenta ng ilegal na droga sa lungsod ng Puerto Princesa.

Kinilala ang suspek na si Raymart Gonzales Ignacio, 25 anyos, isang pintor at residente ng Zone 4, Sitio Bucana, Barangay Iwahig.

Ayon sa mga awtoridad, ganap na 3PM noong Marso 25, nang mahuli ang suspek sa Zone 4, Sitio Bucana.

Nabilhan ito ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu ng nagpanggap na asset ng PNP, kapalit ang tatlong libo.

Sinampahan na ng kasong paglabag ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek at kasalukuyang nakapiit sa piitan ng PS2.